Got this from Gia’s blog. laughtrip!
1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
- haha! yea. i remember the coke’s collection. tas palakasan ng bato. kapag nawala sa pile yung pog, sayo na yun. lagi naman akong talo kasi guys yung kalaro ko nito. pero ok lang kasi may supply ako ng pogs. i steal from my cousins. haha! tas yung text, i collected those wityh cute visuals but i never learned how to play it.
2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yund.
- haha! one of my fave gums yung bazooka before i got to know judge. we collected the comics. sometimes we trade it pa kung meron na kami nun sa collection namin.
3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
- yea. i remember my lolo’s tirador. ang laki nya tas orange yung string. he mainly used it sa mga nagnanakaw ng mangga sa puno namin tsaka sa mga kambing na kinakain yung mga pananim nya. how i miss my lolo.
4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
- yea. padamihan ng damit. ingat na ingat pa kami nun kasi napupunit yung damit. tas anlayo pa nung bilihan noon from our house. sometimes, we also trade clothes of our paper dolls. but usually, you couldn’t use another doll’s clothes for the other paper dolls kasi yung damit, nakapattern sa angle ng kamay at binti nung doll. so pag ginamit mo yung dress sa ibang doll, minsan nagiging apat yung kamay nung doll mo. haha!
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
- i had a pellet gun. kaming tatlo nung dad and bro ko. tas ang ginagawa naming target, yung mukha nung mgatao sa dyaryo. =)
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
- haha! never akong naglaro sa arcade nung bata ako ee. family computer nilalaro ko. =)
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
- yea. hanggang ngayon, may tira pa ako nung isang plastic ng watusi sa memorabilia box ko. haha!
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
- yea. i was in grade one then. power rangers pa yung cartoon na naka-adorn sa sandals ko. binili ng dada ko sa SM.
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
- hmm, this one, pass ako. never really liked Michael Jordan.
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
- haha! yea. enemies kami nung yaya ko every siesta time. tas i remember, kinukurot ako ng mom ko sa butt kasi ayaw kong matulog. pero matutulog din ako kapag pinapili na ako kung aral o tulog. tulog siempre!
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
- oh? me ganun? ayaw ko ng alcohol but i had no choice so i do let them put alcohol and betadine in my sugat.
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings.
- yea. but i only had one kasi di naman talaga ako natuwa sa kanya kasi si jolina ang nagpauso nito but since meron lahat ng classmates ko, dapat meron din ako. haha!
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
- walang pera pamilya ko. haha! barbies lang ang meron ako.
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
- yea. iba’t-ibang kulay pa. piso isang pack nito ee.
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
- yea! pero never naman ako nafascinate sa stickers when i was a kid so no care lang ako sa kanya.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
- never had a chance. try ko nga mamaya
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
- yea! one of the crazes when i was in elem. padamihan kami noon. tas pati mom ko, every time na uuwi sya from the mall, may dala syang several packs of stationaries for me. =) ngayon meron pa rin ako nito. nakatago na lang. para kasing ang baduy kapag gumawa ka ng letter using those stationaries.
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may
advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
- i had brick games and nintendo pero wala akong tamagochi. di ko nakita yung sense noon ee. isa pa, batang probinsya ako, di nauso sa amin to. =) yung brick games, tuwang-tuwa ako dito noon. agawan kami dito nung yaya ko. haha! tas yung nintendo, bugs bunny yung lagi kong nilalaro. =) meron din ako nung shootshoot the rings. pero di sya masyadong masaya ee.
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
- haha! after classes kami naglalaro tsaka kapag breaktime. or kapag may program sa school at walang teachers. i remember, there was a time na even guys, naglalaro na din ng jackstone nung grade six ako. they had their own circle tas super competitive nila. haha! tas andami naming version nung ice water. tas twenty kami sa isang game so kawawa talaga yung taya. haha! dun sa chinese garter and ten-twenty, di ko na maabot yung kilikili. haha!
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. “Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.
- haha! di uso sa amin yung “akin yung factory ng eraser.” yung iba, oo, andaming beses kong sinabi yun. may bago na akong version ng cross my heart ngayon ee. =)
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming
attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
- yea! super distraction to. tuwang tuwa kapag may ipinapakopya yung teacher tas we display the pencil case in front of our seat para kita ng lahat na may ganun kaming pencil case. haha!
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
- eew! yuck yung mga arrtista na notebook cover ee.
23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
- i hate bringing binalot and coleman to school. nahihirapan ako magdala ee. anlaki kasi sooper nung bag ko. =)
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
- it was my fourth grade’s watch. christmas gift ng mom ko. =)
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
- haha! i didn’t care about the pager. cellphone ang gusto ko. =)
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
- haha! my first cellphone was a bosch na gift sa akin nung grade six ako. pero wala na sya sa akin ngayon. ipinamigay ko ata sa pinsan ko.
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
- family computer! haha! mario and bomber man yung games ko noon. di ko natapos yung adventure ni mario, though.
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
- i had a family computer! yun ngang mario and bomber man ang game ko. tas i also had nintendo na super laki at bigat. cousin ko lang yung may sega pero i got to play games din dun. brick game, kaagaw ko yung yaya ko. at mga pinsan. haha! TROLL! haha! i loved it! kahit mukha silang monsters na ewan. didn’t have tamagochi and Swatch Watch.
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: “Natatawa ako, hi hi hi hi”, “Anong paki mo sa long hair ko”, “Dahil sa bawal na gamot”, “Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko”.
- haha! yea! alam na alam ko tong mga songs nato. well, maliban dun sa “dahil sa bawal na gamot,” nung high school ko lang nalaman tong song na ito ee kasi may isang episode sa “magpakailanman” ni Mel Tiangco na napanood ko at ng mga klasmeyts ko. the next day, song na ito sa room. haha!
30. Isa dito ay theme song mo: “I Swear” by All 4 One, “What’s Up” by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What’s goin on!), “Zombie” by Cranberries.
- i swear, by the moon and the stars from above. i swear.. haha! and i say, hey ey ey ey ey. i said hey, what’s going on? haha! Zombie, zombie, eh eh eh.
31. Sumasayaw ka ng Macarena.
- grade one ata ako nito. pati yung bombastik. haha!
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
- YEA! haha! tas may VHS copies pa ako nung tours nila. haha!
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
- haha! backstreet boys, nsync, westlife, moffats. haha! name it!
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
- gusto ko ng pizza pie! tama na yan, inuman na. wagmo na akong pahirapan pa. elesi. smile. haha!
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
- yea! nasisira ko yung karaoke namin dahil dito! haha! tas di ko alam kung ano yung tamang side. haha!
36. Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc.
- yung “tell the word of his love”, kanta namin nung graduation nung prep. with actions pa. di ko na maalaala yung actions pero alam ko pa yung whole song. haha! tas nung grade six, “jubillee song” naman yung kinakanta every morning sa flag ceremony namin. with actions din. sa sobrang haba nung flag ceremony, tapos na yung half nung first period bago kami makabalik sa classroom from quadrangle. haha!
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
- i loved Mighty Morphin Power Rangers! yung yung first robot ko. nanood din ako ng shaider at mask raider black! pati ultraman! haha! tsak captain planet. captain planet, he is the hero. haha!
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
- haha! i loved hiraya manawari. ating abutin ang tuktok ng bundok, abutin ang hiwagang sa puso mo’y bumabalot. hiraya manawari, mga pangarap natin, ating abutin. ang kapangyarihan nasa puso natin. hiraya manawari, hiraya manawari, ating abutin.
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
- Ghost Fighter! woohoo. haha! yung dragon ball, di ko nasundan. nalilito ako ee.
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: “Tato ni Ara Mina malaking cobra…”, “Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…”, “…Kontra Bulate!”
- hahaha! if i remember it right, bubble gang yung unang nagspoof ng kanta tas kinakanta nila to dun sa episode nila na ang dating daan? tama ba? haha!
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: “Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman… Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman..”
- shaider at maskman lang. di ako nanood ng sailormoon.
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
- yea! love ko yung sara. haha! awang-awa ako sa kanya. tas kahit paulit-ulit sya, pinapanood ko pa rin. yung movie ni camile pratts, pinanood pa namin ng uncle ko sa sine. sooper naaalala ko pa yung mga nangyari that day. sa manila pa kami nanoond ng sine tas punung-puno yung sinehan kaya sa aisle ako nakaupo. as in dun sa daanan ng tao. pati yung english version, pinanood ko. =)
43. Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica
Panganiban.
- hahaha! oo. siempre si camille prats yung pulubi tas si angelica yung mataray na prinsesa. haha!
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
- three thirty na! ang TV na! haha! one of my faves to dati. naaalala ko yung bahay nila na gawa sa kahoy yung mga upuan and stuff.
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
- haha! oo. sa batibot, sa batibot. pagmulat ng mata, paggising sa umaga, sa batibot, sa batibot. haha! pero di ko inakalang mag-asawa sila.
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na “ATBP.”: Isa.. dalawa-tatlo..
apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo…
labingapat-labinglima…
- yea. kinakanta ko na nga yang kantang yan nung tinatype ko yung comment ko dun sa batibot ee. haha!
47. Napanood mo ang Batang X.
- yea! si ana larusea at john prats. sa channel 5 pa ito dati ee. tas meron ding movie to.
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
- haha! yea. i remember, nasira ko yung key namin nun sa front door sa super pagmamadali mabuksan yung door para makapanood ng marimar kasi nasa labas pa ng bahay sina yaya. as in naputol ko yung key kasi pinaiikot ko sya tas ayaw mabuksan nung Yale na lock. yun pala, di ko naipasok mabuti yung key sa keyhole. haha! all because of marimar. ayun, dahil sa nangyari, lalo kong do napanood yung marimar kasi di ko naman nabuksan yung yale na lock tas napagalitan pa ako ng daddy ko habang tumatawa sya kasi super lakas ko daw para matwist at maputol yung key.
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”.
- haha! yea, every thursday night yung okay ka fairy ko with vic sotto. every saturday yung oki doki doc withy aga. every tuesday or monday yung palibhasa lalake with gloria romero, john estrada and yllana. every thursday yung home along da riles. home along da riles yung pinakafave ko dito. haha! ober da bakod ata monday with janno gibbs. haha!
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
- hahaha! nakakatawa. pinanood ko pa yung movie nito! haha!\
51. Pinanood mo din yung “Villa Quintana”, “Esperanza”, “Anakarenina” atbp.
- esperanza lang.
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
- no. i don’t like wowie. ayaw ko din kay marvin. haha!
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: “Dear diary, Carlo sat beside me today. He’s so cute! Sabi niya I’m pretty kaya lang I’m fat.”
- hahaha! oo. nasa bedroom sya tas nagsusulat sa diary. yung end, kumakagat sya ng hotdog. haha!
54. Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”.
- yea! haha! naudso to sa school with iba’tibang versions.
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
- yung eat bulaga, alam ko na nanggaling sya sa two. pero yung mel and jay, hindi ko alam na pinalayas din pala sila ng dos.
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
- haha! oo. mga nakakatawang versions sa imbestigador at magandang gabi bayan yung napanood ko.
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
- yea! yung hindi mo talaga maiintindihan kasi walang subtitles. tas anggaling nung mga karakters kasi lumilipad sa mga bubong from the ground. there was a time na nagkunwari akong naiiintindihan ko yung sinasabi nila, naniwala naman yung playmate ko. haha!
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
- haha1 di lahat napanood ko. pero nanonood ako nito. pati nga yung patayin sa sindak si barbara, pinanood ko.
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na “Goodbye, England’s Rose.”
- alam ko pero hanggang ngayon, di ko alam kung bakit super celebrity syabukod sa pagiging prinsesa. di ko rin alam ang dahilan ng kamatayan nya. sorry naman.
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
- yea! nagrerent kami every week ng mga movies. until now, nasa bahay pa yung VHS namin.
61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.
- haha! yea. paano mo nalaman? haha! pero napanood ko to nung grade five na ako.