unang halik
Halik sa noo,
halik sa dalawang mata,
kanan, kaliwa.
Halik sa ilong
bago mo ako hinalikan sa labi..
Sa pinakaunang pagkakataon.
rush hour
A las seis ng hapon – puno ng tao
sa lansangan, sa sakayan. Sa MRT
mahaba ang pila. Sa labas.
At sa loob.
Hawak mo ang kamay ko, takot na
Baka magkawalay tayo.
Nakipagsiksikan, nakipagtulakan,
nakipagbuno tayo sa daang tao
para sa dalawang maliit at masikip na pwesto
sa loob ng tren.
Malala na talaga ang populasyon sa ‘pinas
sabi mo pa. Di ako kumibo
pagkat sa oras na yon, habang tumatakbo ang tren,
ako’y yakap mo, at wala na akong nakikitang ibang tao
maliban sa sarili ko at sayo.