trauma ng kabataan
tiririt-titit-tiririt. tiririt-titit-tiririt.
isa sa mga pinaka-iinisan kong tunog na narinig ko sa buong buhay ko ay ang tunog ng alarm clock. oo, ng alarm clock. at alam kong hindi ako nag-iisa sa pananaw kong ito. aminin mo na, ikaw man ay asar din sa tunog ng alarm clock.
hindi ko na naman siguro kailangang ipaliwanag pa ang dahilan kung bakit galit ako sa tunog ng walang kamalaymalay na orasan. sinuman ang pumutol sa isang napakahimbing at masarap na tulog habang ako ay nanaginip na kasama ang aking sinisinta ay sapat na para isumpa kita habang buhay. ganyan ang istorya namin ng alarm clock.
alam ko naman na ginagawa nya lang ang kanyang trabaho. ngunit wala pa ring mas nakakasira ng isang magandang samahan kundi ang pagtataksil sa akin sa pamamagitan ng pagsira sa isang magandang panaginip. pasensyahan na lang tayo, pareng orasan na tumutunog sa tuwing ayaw kong ika’y tumunog.
iniisip ko, pwede naman syang magkaroon ng ibang trabaho, bakit pagsira pa sa tulog ang napili nyang gawin? gusto nya ba talagang makaaway ang buong sibilisasyon na pawang mga kulang sa tulog ang miyembro?
tuwing maririnig ko kasi ang tunog ng alarm clock, kahit pa hindi ko naman kailangan gumising dahil hindi naman talaga para sa akin ang tunog na iyon kundi sa isang kasambahay ay naiinis pa rin ako. yung tipong alam mong kalahati lang ng iyong kamalayan ang gising at nag kalahati pang iyon ay nakakaramdam ng galit para sa isang orasan dahil sa mga masasamang alaalang dinadala nito. tuwina ay naaalala ko yung mga panahon nung bata pa ako na kailangan ko gumising ng sobarng aga tuwing lunes haggang biyernes para pumasok sa paaralan. tas pag sabado, imbes na makatulog ng mas mahabang oras ay kabaligtaran pa nag nangyayari dahil kaialangan kong gumising ng mas maaga kayasa pag araw ng may pasok dahil kailangan ko pa maglaba. oo, ako ang naglalaba ng mga damit namin noon ng pamilya, buti na lang mmay labandera na kami ngayon. tas paglinggo, kailanagan pa rin akong gisingin nung alarm clock dahil magsisimba sa pinakaunang misa sa araw ng pangilin. yung misa para sa mga matatanda. isipin mo na lang kung gaanong parusa iyon para sa akin. araw-araw kong kapiling sa higaan ang bagay na ayaw kong makita at marinig. wala ng mas sasaklap pa doon.
ngayon, hindi na nga ganoon ang sitwasyon pero nasa akin pa rin ang trauma na naranasan ko noong kabataan.
tiririt-titit-tiririt.